‘Meltdown’ ni VP Sara pwedeng mauwi sa impeachment – De Lima

POSIBLENG mauwi sa impeachment ang ginawang pagbabanta ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos at sa misis nitong si Liza Araneta-Marcos, ayon kay dating Senador Leila de Lima.

“Sa tingin ko yung grave misconduct niya — na hindi dapat kasi second highest official of the land siya — that is a clear case of betrayal of public trust,” ayon kay De Lima sa Kapihan sa Quezon City nitong Linggo.

Anya, lahat ng public officials and employees ay “at all times act with integrity,” at ang ginawa ni Duterte ay ay gross misconduct na isa umanong betrayal of public trust, isa sa mga elemento para maisulong ang impeachment complaint

Bukod dito, pwede ring isama sa impeachment complaint ang hindi masagot-sagot ni Duterte na maling paggamit ng confidential funds.

Naniniwala naman si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na hinog na ang panahon para magsampa ng reklamong impeachment laban sa pangalawang pangulo.

“Hinog na hinog na yung impeachment complaint. Titingnan natin sa mga sunod na araw ano yung magiging decision ng people’s organizations. Within this year dapat,” ayon kay Castro.