ILANG buwan bago palitan ang panggulong presidente at mga kampon niya, binuhay na nila
ang kanilang spin doctors, pinagulong ang kanilang special operations at bumubuga na ng apoy ang Duterte sa mga naaamoy nilang kalaban.
Target: Manila Mayor Isko Moreno
Pwedeng nagsimula yan sa Pulse Asia Survey noong February 22 to March 3, 2021 (27%) at nitong June 7 to 16 (28%) na nag-top si Mayor Sara Duterte Carpio sa presidential choices.
June 3, 2021 nang sabihin ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang press briefing na sa iba-ibang pagkakataon, binanggit ni Mayor President Rodrigo Duterte na namamataan niyang successor sina Mayora Sara, Senador Bong Go at Manny Pacquiao at take note, Manila Mayor Isko Moreno.
Kinabukasan June 4, sa Headstart talk show ng ANC, pumusisyon si Yorme na hindi niya susuportahan ang sinumang kandidato ng political dynasty.
“Hindi ako naniniwala na ang posisyon sa gobyerno minamana in a democratic government. Ang demokrasya, ang taongbayan ang pumipili; hindi ipinipilit ‘yung mga kalahi niya pagkatapos niya,” paninindigan ni Yorme.
Aw! Barado na ang mga Duterte.
Sa ambush interview kay Sara Duterte noong July 9, 2021 sa Cebu nang makipag-closed door meeting siya kay Cebu Gov. Gwen Garcia sa kapitolyo, tinanong siya kung open ba siyang kumandidato sa pagka-presidente sa isang taon, ang sagot niya ay “yes” pero wala pang final decision.
Nagkataon naman o nagkataon nga ba? na noon ding July 9, 2021, naglabas si Interior Undersecretary Ricojudge Janvier Echiverri, ng “Show Cause Order” laban kay Isko at pinagpapaliwanag ito sa nabigong target ng Maynila sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno noong 2018.
Kaso vice mayor pa lang noon si Yorme at si Erap ang kanilang mayor. Na-wrong mali sa pagmamadali! Sobrang kakahiya.
Sa SONA ni PDuts nitong July 26, 2021, binanatan niya ang isang syudad na pinapila sa bakunahan ang mga tao kahit malakas ang ulan.
Kinabukasan, July 27, sa kanyang live public health emergency broadcast, sumimple ng bwelta si Yorme at pinaalala sa mga taga-Maynila na magpabakuna na kahit umulan at bumaha lalo’t nandyan na ang Delta variant.
Pero durog si PDuts nang binigwasan ni Yorme ang gobyerno sa palpak na Covid pandemic handling:
“Bakit nakapasok ang Delta variant sa Pilipinas? Nakapasok ‘yong Alpha, nakapasok ‘yong Beta, nakapasok ‘yong Delta, ang susunod na n’yan ‘yong Lambda, o Tau Gamma, o kung ano man, lahat na siguro ng fraternity n’yan eh pwede nang pumasok.”
Kaya sa kanyang regular taped Address to the People nito lang Lunes, August 9, 2021, bilang reaction sa presentation ni MMDA Chair Benhur Abalos sa bakuna drive sa NCR, naglalagablab ang bunganga ni PDuts:
“Pinakita ninyo it’s well organized. May isang siyudad lang dito na ang tao naghintay lang ng direction kung paano, but I think it’s the mayor who has a disorganized mind kaya ganoon.”
At may kasamang banta:
“May isa akong siyudad diyan na hindi ko bibigyan ng power to distribute ayuda. Simply because in so many instances, they cannot organize,”
Obvious na si Yorme ang target.
Bilang sagot, ipinakita ni Yorme ang dalawang certificates of recognition na inaward sa Maynila.
Una yung ibinigay ng DSWD NCR noong January 25, 2021 dahil sa 88% accomplishment niya sa pamimigay ng social pension para sa mahihirap na senior citizens.
Pangalawa yung ibinigay mismo ng DILG noong June 30, 2021.
Pinuri si Isko dahil sa kanyang “timely and efficient distribution of ayuda” maski maraming hamon ang pandemic.
Masterclass. Disente. Respetado. Nagde-deliver. Batang Tondo. Dating nagkakalkal ng basura. Tunay na makamasa. Panalo.
Pero hindi pa nagkasya at tumira na ng personalan ang balasubas na lider:
“Nakita ko nga sa Facebook kanina lahat ng naka-bikini ang g*** tapos meron isang picture pa dun sinisilip niya iyong ari niya. Iyan ang gusto nyo? Ang training parang call boy. Naghuhubad sa picture, naka-bikini, tapos ‘yung garter tinatanggal niya.”
Ayaw pang paawat ang bugok:
“Iyan ang training ng presidente—maghubad at magpapicture.”
‘Yan ang presidente.
Pikon, mapaghiganti, nambababoy, bastos, walang respeto sa kapwa.
Kung meron mang pokpok yun ay dahil sa tulak ng matinding kahirapan, corrupt at waley na gobyerno.
Pero bumabangon at nagtitiis para maabot ang mga oportunidad sa paraang alam at kaya nilang gawin.
Nagsumikhay sa pag-aaral, nagpupursigi at tumutulong sa kapwa.
Sobra bang natatakot na matalo ang anak at mga alipores?
Desperado ba dahil hahabulin ng sandamakmak na mga kasong kriminal pagtapos ng termino?
Basang-basa na ba sa kahihiyan sa international community dahil lantad ang pagpapakatuta sa China at US at pagwawalanghiya sa sovereign Pinoy pipol?
Nasisiraan na ba ng ulo sa kakaisip ng iiwang legacy ng higit 6,000 pinapatay sa tokhang operations?
Idagdag pa ang mga pinaslang na lider militante, katutubo, lawyers, journalists, etc?
Higit sa lahat windang na windang na ba sa palpak na pagkontrol sa Covid pandemic?
The struggle is real para sa naghaharing elitista.
Paano nga ba mananalo sa eleksyon ang koalisyong basura at bulok kung may panalo na?
Ang mga mulat at lumalabang sambayanang Pilipino.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]