Spence umatras kay Pacquiao

NAPILITANG umatras ang welterweight champion na si Errol Spence, Jr. sa nakatakdang laban nila ni Manny Pacquiao sa Agosto 21 dahil sa retinal tear sa kaliwang mata.

At dahil dito, ayon sa mga organizer ng laban, haharapin ni Pacquiao ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas sa main event na gagawin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Si Ugas ay Olympic champion noong 2008 sa Beijing.

Kakaharapin sana ni Spence si Pacquiao para depensahan ang kanyang korona bilang welterweight world champion. Si Spence ay may 27-0 record.

Napag-alaman na may diperensiya ang kanyang kaliwang mata matapos ang pre-fight medical examination na inadminister ng Nevada State Athletic Commission sa Las Vegas nito lamang Lunes.

“I was excited about the fight and the event,” ayon kay Spence.

“Unfortunately, the doctors found a tear in my left eye and said I needed to get surgery on it ASAP and that there was no way I could fight with my eye in that condition,” pahayag pa ng boksingero.