TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad ng maximum tolerance sa mga magpoprotesta ngayong araw para sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
“Maximum tolerance ang ating ipapatupad at wala namang problema sa ibinigay na permit ng local government unit dahil ito ay may takdang oras lamang…Everything is in order, everything is very clear as to when and where and up to the time they can conduct their rally, so sana magkaroon ng respetuhan,” sabi ni PNP Directorate for Operations PMGEN. Valeriano de Leon sa isang panayam sa DZMM.
Idinagdag ni De Leon na pinayagan lamang ang mga magpoprotesta kontra kay Marcos hanggang Tandang Sora at mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali lamang, samantalang hanggang Saint Peter Parish lamang ang mga sumusuporta sa administration mula alas-2 ng hapon.
Umabot sa 22,000 pulis ang ipinakalat para sa kauna-unahang SONA ni Marcos.