NATALAKAY nina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jinping ang pagpapalawak sa kalakalan sa agrikultura, enerhiya at imprastraktura matapos ang isinagawang bilateral meeting sa Bangkok, Thailand nitong Huwebes.
Sa isang kalatas na inalabas ng Palasyo, hindi naman binanggit kung napag-usapan ng dalawang lider ang isyu ng West Philippine Sea.
Isinagawa ang bilateral meeting sa sideline ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Nauna nang sinabi ni Marcos na napagkayarian ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na ipatupad ang One China Policy bagamat hiniling sa China at Taiwan na iresolba ang alitan nang mapayapa.