PINABORAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpasa ng panukalang batas na nagtatayo ng Department of Disaster Resilience matapos ang nangyaring magnitude 7.0 na lindol sa bansa.
“Yes, precisely because as I said in the SONA, we have to recognize that we are disaster prone,” sabi ni Marcos sa kanyang press conference ngayong Miyerkules.
Matatandaan na muling iginiit ni Senador Grace Poe ang kanyang naunang panukala na magbuo ng Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management.
Read more: https://pinoypubliko.com/politics/poe-muling-inihirit-pagbuo-ng-dept-of-disaster-resilience-and-emergency-assistance-and-management/
Ayon kay Marcos posibleng mapadalas ang mga sakuna sa bansa.
“I don’t like to say it pero mukhang mapapadalas ito eh. Not the earthquake pero ‘yung weather, lalo na ‘yung extreme weather. Kahit hindi bagyo, ‘yung masyadong… Nakikita niyo ‘yung sa Europe, nakikita niyo ‘yung sa Amerika. Baka naman abutan tayo ng ganyan, ‘yung napakainit masyado,” dagdag ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na kailangang palakasin ng pamahalaan ang kapabilidad laban sa mga kalamidad.
“We need more capability than we have now. Magaling na tayo sa bagyo. Marunong na tayo sa lindol. Pero ang mga dangers na — the dangers that the effects of climate change present are different, that’s why we need a specialist agency,” aniya.