SINABI ng Palasyo na nakatakdang bumisita si Pangulong Bongbong Marcos sa China sa Enero 2023 para sa isang state visit.
Idinagdag ni Office of the Press Secretary Officer-in-Charge Cheloy Garafil na tinanggap na ni Marcos ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping.
Ayon pa kay Garafil, nakatakda ang pagbisita ni Marcos sa China mula Enero 3 hanggang 6.
“The Chinese government has since confirmed that schedule for the state visit,” dagdag ni Garafil.
Kasalukuyang nasa Cambodia si Marcos para sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.