KAYANG maibigay sa publiko ang P20 kada kilong bigas, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
Pero, dagdag niya, hindi ito agad-agad maibibigay ng kanyang administrasyon.
“There’s a way to do it but it will take a while. We have to return NFA to its old function, not so much importation but really the buying,” sabi ni Marcos sa panayam ni Toni Gonzaga sa AllTV, ang bagong bukas na broadcasting network na pagmamay-ari ng pamilya Villar.
Kabilang ang P20 na bigas sa mga ipinangako ni Marcos noong kampanya.
“And that’s why I am hoping that at the end of all that we are doing — and when I said the end, I’m not talking about tomorrow, I’m talking about, maybe hopefully, if we do it right, then in a couple of three years that will get there,” aniya.