NAKABALIK na sa bansa Miyerkules ng gabi si Pangulong Bongbong Marcos matapos ang state visit sa Indonesia at Singapore kung saan sinabi niya na ito ay naging kapwa matagumpay.
“I am glad to be back from Indonesia and Singapore. However successful and productive this trip was, of course, it is always going to be good to come back home,” sabi ni Marcos sa kanyang arrival speech.
Ibinahagi ni Marcos ang magandang balita kaugnay ng kanyang naiuwing mga pasalubong.
“My inaugural State Visits to our two important ASEAN neighbors were fruitful and engaging. I met with Indonesian President Joko Widodo to comprehensively discuss our overall bilateral ties with Indonesia,” aniya.
Ayon kay Marcos, mag-aangkat ng fertilizer mula sa Indonesia at lalakihan nito ang inilalaang coal para sa enerhiya ng Pilipinas.
“I also met with President Halimah Yacob and Prime Minister Lee Hsien Loong of Singapore,” aniya.