SINABI ng Palasyo na nakatakdang lumipad sa susunod na linggo patungong Cambodia
si Pangulong Bongbong Marcos para dumalo sa 40th and 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits sa Phnom Penh, Cambodia.
Sa isang briefing, sinabi ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil na nakatakda ring makipagkita ni Marcos sa Filipino community sa Cambodia.
“The chief executive is expected to update them on the programs and policies of his administration, especially on the protection and promotion of the rights and welfare of OFWs,” sabi ni Garafil.
Pagkatapos ng ASEAN Summit sa Cambodia, dadalo naman si Marcos sa APEC Economic Leaders Meeting (AELM) sa Thailand.