Marcos lilipad ng New York sa Linggo para sa UN Assembly

LILIPAD patungong New York sa Estados Unidos sa Linggo si Pangulong Bongbong Marcos para dumalo sa 77th session ng United Nations General Assembly (UNGA).

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Kira Danganan-Azucena na nakatakdang magsalita si Marcos sa high-level general debate sa Setyembre 20 kung saan inaasahang iisa-isahin niya ang mga prayoridad ng kanyang administrasyon, kasama na ang climate change, rule of law, at food security.

“The President’s participation in the opening of the UNGA 77 is important because it marks his first engagement with the United Nations, which the Philippines recognizes as the world’s most important multilateral organization,” sabi ni Danganan-Azucena.

Inilarawan ni Danganan-Azucena ang high-level general debate bilang pinakaimportanteng politikal na kaganapan.