Marcos kay VP Sara: Glad I could help

“Glad I could help.”

Ganito umano ang naging tugon ni Pangulong Bongbong Marcos kay Vice President Sara Duterte nang “sarkastikong” magpasalamat ito dahil nagkaayos sila ng ama na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos maaresto at madetine sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, to Vice President Sara Duterte, ibinalita niya sa pangulo ang ginawang pagpapasalamat ni Sara at simple lang ang naging tugon nito: “Glad I could help.”

Gayunman, humirit si Castro na dapat anyang unahin ni Sara na pasalamatan ang ama na dahilan kung bakit sila ngayon ay magkasundo na.

“Mas maganda po siguro kung magpasalamat muna si VP Sara sa kanyang ama mismo, kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Dahil kung siya man po ay nagkaroon ng pagkakataon, nagkaroon ng oras kasama ang kanyang ama, ito ay dahil sa kasong EJK,” ani Castro.

“Kung hindi po naganap, at hindi nagawa sinasabing mga aksyon patungkol sa war on drugs at walang nag-complain, hindi rin naman sila magkakaroon ng pagkakataon na makapunta sa The Hague,” dagdag pa ni Castro.