TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na walang banta sa kanyang buhay kung kayat nararapat na siyang umuwi sa bansa at harapin ang kanyang mga kaso.
Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.
Naaresto si Teves sa Timor-Leste noong Marso habang naglalaro ng golf.
“Sa lahat ng mga sinasabi ni Teves, na takot siya sa buhay niya, wala kaming report na ganun. Walang nagbabanta sa buhay niya,” ayon kay Marcos sa panayam ng mga reporter.
Tiniyak din ni Marcos na magiging patas ang pagdinig ng kaso ng dating kongresista.