KINUMPIRMA ni Vic Rodriguez, tagapagsalita ni presumptive President Bongbong Marcos Jr., na nagtungo sa Australia ang huli para sa “much-needed rest and vacation.”
Ani Rodriguez babalik ng Pilipinas ang incoming president sa May 19.
“He just wants to enjoy the remaining few days before he assumes as President,” dagdag niya.
Binatikos naman ni Rodriguez ang mga Pinoy na nagprotesta sa pagdating ni Marcos sa Melbourne.
“Nakakahiya, wala sa kaugalian natin ang hiyain ang kapwa mo Pilipino sa ibang bansa. Ang dapat magsabi kung welcome siya ay gobyerno nila, hindi Pilipino na nandun lang dahil maraming poot,” dagdag nito.
Inanunsyo niya na nagkausap sina Marcos at Australian Prime Minister Scott Morrison ngayong umaga sa telepono.
Sabi Rodriguez, binati ni Morrison si Marcos sa pagkapanalo nito.