INAPRUBAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang importasyon ng 64,050 metric tons ng refined sugar para mapigil ang tumataas na inflation rate.
Sa memorandum order number 77 na ipinalabas ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganibam, inatasan niya si Minimum Access Volume (MAV) Secretariat Officer-in-charge Dr. Jocelyn Salvador na agad na pulungin ang MAV Advisory Council para mapadali ang importasyon ng 64,050 metric tons ng refined sugar.
“Based on the latest Summary Inflation Report Consumer Price Index November 22, released on December 6, 2022, the annual inflation increment for sugars,
confectionery, and desserts has reached 38.0 percent. Concerned with this very high
inflation rate, President Ferdinand R. Marcos, Jr., Secretary of the Department of
Agriculture, has ordered the Department to take action and to stabilize sugar prices,” sabi ni Panganiban.
Nauna nang inaprubahan ni Marcos ang importasyon ng 150,000 metric tons ng asukal noong Nobyembre.