PORMAL na ikinasa ng Kilusang Bagong Lipunan ang presidential bid ni dating Senador Bongbong Marcos para sa 2022 elections.
Ang KBL ay ang partidong itinayo ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Wala pang tugon si Marcos sa nominasyon sa kanya ng partido, bagamat pinasasalamatan nito ang grupo.
“I will answer you when the time comes. It’s not something that should be rushed,” pahayag ni Bongbong.
Noong 2016 elections, siya ang vice presidential running mate ni Duterte bagamat tinalo siya ni Leni Robredo. Nauwi sa poll protest ang kanyang pagkatalo at sa kinalaunan ay tuluyang ibinasura ng Korte Suprema ang kanyang protesta.