DUMALAW sa burol ng pinaslang na overseas Filipino worker sa Kuwait na si Jullebee Ranara kung saan nangako siya ng tulong sa pamilya ng 35-anyos na OFW.
“I just wanted to offer my sympathies to the family and to assure them that all the assistance that they might need… for the family and for whatever else, ang pangako ko sa kanila. Kaya naman nagsakripisyo ang anak nila na magtrabaho sa abroad ay dahil may mga pangarap siya para sa kanyang pamilya,” sabi ni Marcos.
Matatandaang natagpuan ang sunog na mga labi ni Ranara sa isang disyerto sa Kuwait kung saan napag-alamang nabuntis pa ito matapos na gahasain ng 17-anyos na anak ng kanyang employer.
“Kaya’t sinabi ko dahil nawala na ‘yung anak ninyo kami na lang ang tutupad ng pangarap ninyo. Lahat ng assistance na puwede naming ibigay, ibibigay namin,” dagdag pa ni Marcos sa pamilya ni Ranara.
Nakabutol ang mga labi ni Ranara sa Las Piñas City.
Idinagdag pa ni Marcos na magsasagawa ng bilateral meeeting sa mga opisyal ng Kuwait para sa pagrerepaso ng Bilateral Labor Agreement (BLA) na naglalayong maprotektahan ang mga OFWs.
“We are also scheduling bilateral meetings with Kuwait to look at the agreement that we have to see if there are any weaknesses in the agreement that allowed this to happen and to make sure that those weaknesses are remedied so that the agreement is stronger and… will be more supportive of our workers,” ayon pa kay Marcos.
Kasamang dumalaw sa burol sina Senator Mark Villar at Department Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople,.
Dumating ang mga labi ni Ranara noong Biyernes.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang 17-anyos na suspek.