PINAIIMBESTIGAHAN ni SAGIP party-list representative Rodante Marcoleta ang joint venture sa pagitan ng ABS-CBN at TV5, sa pagsasabing maaaring may paglabag ito sa umiiral na batas.
Idinagdag ni Marcoleta, kilalang kritiko ng ABS-CBN, na dapat busisiin ng Philippine Competition Commission (PCC) at ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pinirmahan sa pagitan ng dalawang media giant sa pagsasabing maaaring may paglabag ito sa antitrust law.
“What I see is some kind of circumvention of the law in this sudden joint venture between ABS-CBN and TV5,” sabi ni Marcoleta.