LIMANG pangalan ang pinagpipilian ni Pangulong Duterte para sa kanyang ieendorso sa susunod na eleksyon: Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Sen. Christopher “Bong” Go, Sen. Manny Pacquiao, Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso, at dating Sen. Bongbong Marcos.
“Noong kinausap ko siya, wala pa siyang desisyon. Mayroon lang siya talagang mga options na sinabi,” ani presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung sino ang gusto ni Duterte na humalili sa kanya bilang Pangulo.
Pero isiniwalat ni Roque na ayaw umano ni Duterte na tumakbo ang anak niyang si Carpio sa 2022 elections.
“Ang rekomendasyon niya (Duterte) ay huwag tumakbo. That’s the latest I heard from the President’s own mouth,” dagdag ni Roque. –WC