Gov’t workers na pumapasok sa ECQ, MECQ may hazard pay

NILAGDAAN ni Pangulong Duterte ang Administrative Order No. 43 na nagkakaloob ng hazard pay sa mga empleyado ng gobyerno na pumapasok sa mga lugar kung saan umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).


Sa ilalim ng AO 43, tatanggap ng karagdagang P500 kada araw ang mga kawani na kinakailangang pumunta sa kani-kanilang tanggapan kahit ipinatutupad ang ECQ o MECQ.


Pasok sa hazard pay ang empleyado sa mga pambansang tanggapan, government-owned and -controlled corporations, kasama ang state universities at colleges. –WC