PARANG wala nang makakaagaw pa sa titulong richest Filipino sa negosyante at dating senador na si Manny Villar, na una rin sa listahan noong 2019 at 2020.
Ayon sa Forbes, si Villar ay may net worth na $7.2 bilyon. Mas mataas sa $5.6 bilyon na naitala noong isang taon.
Nasa ika-352 puwesto naman siya sa listahan ng world’s billionaires.
Si Villar, asawa ni Sen. Cynthia Villar, ay ang chairman ng Vista Mall, Vista Land & Landscapes, Golden Bria, at AllHome Corp.
Kabilang pa sa pinakamayamang Pilipino ang mga sumusunod:
Enrique Razon, Jr. ($5 bilyon)
Lucio Tan ($3.3 bilyon)
Hans Sy ($3 bilyon)
Herbert Sy ($3 bilyon)
Andrew Tan ($3 bilyon)
Harley Sy ($2.7 bilyon)
Henry Sy Jr. (2.7 bilyon)
Teresita Sy-Coson ($2.7 bilyon)
Elizabeth Sy ($2.4 bilyon)
Tony Tan Caktiong at pamilya ($2.4 bilyon)
Ramon Ang ($2.2 bilyon)
Inigo Zobel ($1.4 bilyon)
Lance Gokongwei ($1.2 bilyon)
Roberto Ongpin ($1.2 bilyon)
Ricardo Po Sr. at pamilya ($1.1 bilyon)
Edgar Sia II ($1.1 bilyon)
Hindi naman natitinag bilang pinakamayaman sa buong mundo si Jeff Bezos ng Amazon na may net worth na $177 bilyon.