LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill Number 14 na nagsusulong ng mandatory SIM card registration.
Tinutulan naman ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang pagpasa sa panukala.
Sinabi ni Gabriela party list Rep. Arlene Brosas, banta ang nasabing panukala sa karapatan ng mga Pinoy para sa malayang komunikasyon.
“This proposed SIM card registration bill puts forward a lopsided presumption that all Filipinos are considered as potential criminals and evading the law unless registered as SIM card holders. It gives a false assurance that once all SIM cards are registered, purveyors of spam messages and trolls will be flagged when it reality, these crimes and acts will not come to a halt,” sabi ni Brosas.
Sinabi naman ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na hanggang sa ngayon, hindi pa tinutugunan ng mga ahensya ang mga naganap na insidente ng data breach.
“Heto na naman tayo na inuutusan ang mamamayan na ipagkatiwala sa mga ahensya ang mga personal na impormasyon nila, kabilang ang sensitive personal information nila,” sabi ni Castro.