SUSUBUKANG wakasan ng mga Nograles ang “paghahari” ng mga Duterte sa Davao City.
Sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy nitong Martes, Okt. 8, 2024, naghain si dating Civil Service Commission chair Karlo Nograles ng kanyang COC sa pagka-mayor ng Davao City.
Kakalabanin niya ang dating boss na si ex-President Rodrigo Duterte.
“People of Davao have the right to choose—choice is a mark of a democracy. So today, I reach out to all of you. This is a chance to present to you how we can make life better,” ayon kay Nograles matapos ang ginawang pag-file ng kanyang COC.
Samantala, naghain din ng kanyang COC ang kapatid ni Karlo na si incumbent PBA (Puwersa ng Bayaning Atleta) partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles, bilang representante ng unang distrito ng Davao City.
Kakatapatin naman ni Migs ang incumbent at reelectionist na anak ni Digong na si Rep. Paolo.
Bukod kay Paolo at Migs, naghain din ang “antipolitical dynasty” candidate na si Maria Victoria “Mags” Maglana bilang kinatawan sa unang distrito ng Davao City.