IPINAG–UTOS ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang paghahain ng panibagong diplomatic protest laban sa China matapos iulat ng National Task Force-West Philippine Sea na may namataan na 287 Chinese vessels sa WPS.
Kaugnay nito, binatikos ni Locsin ang NTF-WPS matapos ilabas sa media ang ulat pero hindi ibinihagi sa DFA.
“Fire diplomatic protest. Maybe these idiots will have learned the protocol next time,” ani Locsin sa tweet.
“I took this up with the President in Davao. We have a disease: everybody and his uncle wants to be a hero fighting China from the anonymity of a task force,” dagdag niya.
Sinabi ng opisyal na may dapat ipaliwanag sa kanya ang NTF-WPS sa ginawa umano nitong pagpapabibo.
“First NTF-WPS will explain to me why it made a press release and did not the inform DFA first so the only news today would be DFA FIRES DIPLOMATIC PROTEST OVER PRESENCE OF 287 CHINESE VESSELS,” dagdag ni Locsin.