Leni kahit napagod, di iiwan ang public service

WALA pang desisyon si Vice President Leni Robredo para sa eleksyon sa susunod na taon pero sinigurado niyang hindi niya iiwan ang pagseserbisyo sa publiko.


“Ang sigurado ko lang, gusto ko pa rin na public service related, whether elected, whether appointed. Iyon lang ang sigurado ko at this point,” ani Robredo sa Isang panayam.


Isiniwalat din ng bise presidente na gusto na niyang magpahinga sa politika, pero hindi umano niya uunahin ang sariling kagustuhan.


“Ang sense of duty ko naman mataas. Ang gusto ko sabihin, hindi ko papairalin ang personal na gusto ko,” aniya. “Talaga ang mga anak ko, gusto nila na mas marami na akong oras sa kanila. Pero again, ako, ang sense of duty ko naman mataas.”


Idinagdag ni Robredo na hindi niya iisantabi ang panawagan ng kanyang mga tagasuporta na tumakbo bilang pangulo.


Isa si Robredo sa minamataang kandidato ng opposition coalition 1Sambayan para sa pagkapresidente sa 2022.