Pamilya ng killer-cop nag-alsa balutan

SA sobrang kahihiyan ay umalis na sa kanilang tahanan ang pamilya ni MSgt. Hensie Zinampan, ang pulis na brutal na pumatay sa Isang ginang sa Quezon City Lunes ng gabi.


Kaugnay nito, ibuburol simula ngayong araw ang labi ng biktimang si Lilibeth Valdez, 52, sa bakanteng lote na malapit sa kanilang bahay sa Sitio Ruby, Brgy. Greater Fairview.


Ilang metro din lang ang layo nito sa lugar kung saan siya binaril at napatay ni Zinampan.


Binabantayan na ng mga tanod ang pamilya ni Valdez.


Samantala, inamin ni Valdez na sumabog umano ang kinikimkim niyang galit sa pamilya ng biktima kaya niya nagawa ang krimen.


Kinasuhan siya kahapon ng murder.