INANUNSYO ngayong araw ni Vice President-elect Sara Duterte na hindi makadadalo sa kanyang inagurasyon sa Davao City si outgoing Vice Pres. Leni Robredo.
Ayon kay Duterte, mayroong kasabay na event sa Naga City sa June 19 si Robredo.
Matatandaan na isa si Robredo sa mga inimbitahan ni Duterte sa kanyang inagurasyon na gaganapin sa San Pedro st.
Imbitado rin si President-elect Bongbong Marcos, ama niya na si outgoing President Rodrigo Duterte, mga dating pangulo at mga kakampi sa politika.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Robredo sa hindi pagdalo sa oath-taking ni Duterte.
“Magkaibigan kami. Even before, when I come (to Davao), I always find time to talk to her. She was mayor when my husband was DILG secretary. So we’re friends,” sabi dati ni Robredo.