SINABI ni Bienvenido Laguesma na tinangap niya ang alok na muling umupo bilang Kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil hindi niya mahindian si presumptive president Bongbong Marcos.
“It’s really a tough one, a tough decision. I could just opted to stay as a private citizen and just watch from the sideline. But it’s not easy to say no to a president-elect whom to my impression is really sincere in trying to really put together all plans and programs that can probably benefit the entire Filipino nation,” sabi ni Laguesma sa isang panayam sa ANC.
Idinagdag ni Laguesma na si Atty. Vic Rodriguez ang nagrekomenda sa kanya kay Marcos dahil matagal na niya itong nakasama.
“President-elect Marcos must have heard my name also other than the intercession of Atty. Rodriguez who included me in the list. Maybe the president nais niya na pwede ako makatulong,” dagdag pa ni Laguesma.
Si Laguesma ay dating nang Kalihim ng DOLE sa panahon ni dating pangulong Joseph Estrada.