DUDA si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na maipatutupad ni President-elect Bongbong Marcos ang kanyang pangako noong kampanya na bababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.
“Given the whole setup mahihirapan and si (Agriculture) Secretary Willie Dar said as much. Sila na mismo ang nagsasabi na hindi pa kaya sa ngayon. Because if you want to bring down the price of rice to P20, then you have to bring down the cost of production of rice which means you have to address what are the reasons bakit mataas ang cost of production,” ni Pangilinan sa isang panayam sa ANC.
Nauna nang nangako si Marcos na kaya niyang mapababa ang presyo ng bigas sakaling manalo sa pagkapangulo.
Idinagdag ni Pangilinan na kailangang doblehin ang budget ng Department of Agriculture kung nais ni Marcos na madoble ang kita at produksyon ng mga magsasaka at maging ang mga mangingisda.