INULIT ni Pangulong Duterte na kaya ayaw niyang patakbuhin sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon ang anak na si Sara Duterte-Carpio ay para proteksyunan ito sa gulo ng politika.
Niliwanag din ng Pangulo na bukas lang sa ideya ng pagtakbo bilang presidente si Duterte-Carpio pero hindi Ibig sabihin ay tatakbo nga ito.
“Open lang. That is all there is to it. My stand is I am against, really, the candidacy of my daughter. I want her spared from the, itong vagaries of politics dito sa Pilipinas,” aniya.
“Lalo na itong mga personalities around, the likes of (ex-Senator Antonio) Trillanes, (Senator Leila) de Lima. Walang ginawa kundi mag-atake ng mga kapwa tao nila. I’d rather na ibigay ang gobyerno sa kanila, let them win. I wish them luck, and even wish them to win, kung manalo sila, para kanila na itong gobyerno at gawin nila ang gusto nilang gawin,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi rin niya na masasaktan siya kapag binatikos ng mga kritiko ang anak.
“Ako, masasaktan ako kapag, siyempre anak ko. Bastos itong bunganga ni Trillanes, ewan ko kung saan niya nakuha ‘yang katangian na ‘yan. Pati itong si de Lima. She is wallowing in pity and as a consequence of that, she has become virulent, almost,” paliwanag niya.
Hirit pa ni Duterte: “Ako gusto ko itabi ko na lang muna ang anak ko. Maybe some other time, not at this time when Philippine politics is crowded with people with the likes of Trillanes tapos ‘yung si de Lima. Run at some other time, ‘wag ngayon kasi wala kang maano dito. Mabastos ka lang. It’s not good for a woman to be, you know, being brazen masyado ‘yung mga salita at masaktan lang.” –WC