Pacquiao naalog na ang utak–Digong

MULING binanatan ni Pangulong Duterte si Sen. Manny Pacquiao at sinabing nasobrahan na ang natamong suntok ng huli sa ulo kaya sinabing may nawawalang P10 bilyong pondo mula sa Social Amelioration Program.


“Mga kaibigan, huwag kayong maniwala riyan na P10 billion mawala…I think Pacquiao is punch-drunk,” ani Duterte.


“I think he is, to be talking about P10 billion from nowhere. Papayag ba naman ako? At hindi lang ‘yan, papayag ba kami, papayag ba ang mga secretary ng mga departamento na papayag, na ganoon, may mawala na P10 billion? That is a statement coming from a guy who is punch-drunk. Lasing,” dagdag ng Pangulo.


Matatandaang isiniwalat ni Pacquiao na 1.3 milyong benepisyaryo ng SAP ang hindi nakatanggap ng P10.4 bilyong ayuda. –WC