PORMAL nang sinampahan ng kaso si Juanito Jose Remulla III, anak ni Justice Secretary Boying Remulla, sa Las Piñas regional trial court, para sa kasong possession of illegal drugs.
Kinumpirma naman ni Prosecutor Jennah Marie Dela Cruz na nakapaghain na sila ng kaso laban sa anak ng kalihim ngayon Biyernes, Oktubre 14, 2022.
“We filed for violation of Section 11 of [Republic Act 9165] that is possession of illegal drugs kasi yun yung, based on evidence na inevaluate, yun yung pinaka-appropriate na case na pwedeng i-file,” ayon kay Dela Cruz.
Nadakip si Remulla kamakailan sa isang drug operation at nakuha sa kanya ang P1.3 halaga ng hinihinalang kush, isang uri ng high grade marijuana.
Dahil sa laki ng halaga na nakuha sa suspek, ang kasong isinampa sa kanya ay walang piyansa.