SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na tinalakay niya sa kanilang bilateral meeting ni Chinese President Xi Jinping ang kalagayan ng mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS) sa harap ng nararanasang panghaharass mula sa mga Chinese Coast Guard.
“On the political front, we also discussed what we can do to move forward to avoid any possible mistakes, misunderstandings that could trigger a bigger problem than what we already have. And the President [Xi] promised that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds,” sabi ni Marcos sa panayam ng mga miyembro ng media.
Idinagdag ni Marcos na pumayag si Xi na maghanap ng solusyon at kompromiso para maprotektahan ang kabuhayan ng mga Pinoy na mangingisda at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Nauna nang nagkasundo ang Pilipinas at China na bumuo ng mekanismo sa maritime issue sa pagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Ministry of Foreign Affairs ng China.