KUNG ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines ang masusunod, dapat ilibing sa Pilipinas ang nagtatag ng kanilang grupo na si Jose Maria Sison.
Sa isang panayam, sinabi ni Marco Valbuena, CPP public information officer, na dapat iuwi ang abo ni Sison “in accordance to his wishes as a Filipino and for them to give their last respect and farewell to the man they consider their teacher and inspiration in the revolution.”
Ani Valbuena, nakikipag-ugnayan an CPP sa pamilya ni Sison na nasa Utrecht, the Netherlands.
Sumakabilang-buhay si Sison, 83, sa isang ospital sa Utrecht nitong Biyernes ng gabi.
Hindi naman iniulat ng CPP ang ikinamatay ni Sison.