Isko pinuna opisyal na inuuna politika sa gitna ng pandemya

PINULAAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga politiko na abala na sa pakikipag-alyansa sa mga partido bilang paghahanda na 2022 elections sa gitna ng pandemya.


Ayon kay Moreno, habang marami ang nangangamba sa muling pagsipa ng Covid-19 cases, maraming opisyal ng pamahalaan ang “nag-iikot-ikot kung kani-kaninong politiko or partido and so on and so forth. (But) this is not the right time for taking pictures, aligning, partnership with politicians.”


“Yung mga politiko, sila-sila lang naman nakikinabangan diyan. Wala naman kapakinabangan ‘yang mga political alliances for now,” aniya pa.


Samantala, itinanggi ng alkalde na kaya hindi pa siya nagdedeklara kaugnay sa 2022 elections ay natakot siyang kuyugin ng mga bayarang trolls.


“Hindi ako takot kahit kanino. Hindi ako maduduro ng sino man because this is public service,” hirit niya
“This is not about ownership from one owner passed to the, you know, tagapagmana. I’m not afraid of anyone. I’m afraid of God,” giit ni Isko.


Nagpasalamat naman ang alkalde sa paghataw niya sa mga survey, pero sinabi niya na kapag naghain na siya ng certificate of candidacy ay saka pa lamang malalaman ng publiko ang tatakbuhin niya. –A.Mae Rodriguez