HINIMOK ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na mag-move on na matapos ang isinagawang halalan kung saan nanalo si presumptive Bongbong Marcos.
“We wanted to encourage them to move on with our lives and support the new government, especially in Manila and the national government para walang alingasngas, sinasabi natin sa kanila, magkapatawaran na sila. Yan naman ang importanteng mensahe. Wag na lang maramdaman ang galit o poot sa buhay,” sabi ni Moreno matapos pangunahan ang flag ceremony ngayong Lunes.
Idinagdag ni Moreno na dapat igalang at kilalanin ng lahat ang ibinoto ng tao.
Kasabay nito, sinabi ni Moreno na wala siyang pagsisisi bagamat natalo sa eleksyon.
“No, I’m grateful to God. I am always grateful. Marami akong ipinagpapasalamat…galing ako sa basurahan. I came from nothing,” ayon pa kay Moreno.