SINABI ni incoming Information and Communications Technology secretary Ivan John Uy na prayoridad ng administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos na mapabilis ang internet connection sa buong bansa.
“Very clear iyong marching orders ni Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa ICT. Natatandaan ninyo na noong kampanya ay iyong digital infrastructure is one of the flagship projects na gustong mangyari ni President BBM,” sabi ni Uy sa panayam ng Laging Handa.
Idinagdag ni Uy na nais ni Marcos na maabot ng internet maging ang mga liblib na lugar.
“So in-instruct po kami na tingnan kung paano natin maiaabot ang mga digital connectivity sa mga liblib na lugar upang maipasok at mabigyan ng access ang mga kababayan natin lalo na sa mga lugar na hindi inaabot ngayon ng internet,” dagdag ni Uy.