LALO pang tumaas ang nararanasang mataas na inflation sa bansa matapos itong pumalo sa 8.0 porsiyento noong Nobyembre kumpara sa 7.7 porsiyento na naitala noong Oktubre, 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Idinagdag ng PSA na ito na ang pinakamataas na naitalang inflation simula noong 2008.
“With this month’s inflation, the country’s average inflation rate from January to November 2022 stood at 5.6 percent. In November 2021, inflation rate was observed at 3.7 percent,” sabi ng PSA.
Idinagdag ng PSA na ang pagbilis ng pag-akyat ng inflation rate ang dulit na rin ng pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages sa nakalipas na isang taon na umabot 10.0 porsiyento.
“Also contributing to the uptrend is the higher annual increment in the index of restaurants and accommodation services at 6.5 percent, from 5.7 percent in October 2022,” dagdag ng PSA.