“PERSONAL HEALTH MANAGEMENT” ang dahilan kung bakit lumipad patungong Singapore kahapon si Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio.
“I am on leave from April 6-10, 2021. I have a travel authority to Singapore from the DILG. The reason is personal health management,” aniya sa kalatas.
“All protocols for return to Davao City including RT-PCR testing and 14-day quarantine have all been pre-arranged,” sabi pa niya.
Lumabas ng bansa ang alkalde habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at apat pang probinsya dahil sa pagdami ng kaso ng Covid-19.
Ayon sa Department of Transportation, pwedeng pumasok sa NCR Plus Bubble ang mga hindi tagarito kung mayroon silang flight palabas ng bansa mula sa NAIA.