NANGUNGUNA si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa listahan ng mga “best performing mayors” sa bansa sa survey na isinagawa ng RP-Mission Development Foundation Inc. (RP-MD).
Ayon sa survey, nakakuha si Duterte-Carpio ng 93 percent job approval rating.
Sabi ni Dr. Paul Martinez, ng RP-MD, na ibinase ang survey kung gaano kaepektibo ang opisyal sa paghahatid ng serbisyo sa kanyang nasasakupan.
“They were assessed by their constituents on their overall job performances or archievements,” dagdag niya.
Sinusundan si Duterte-Carpio nina Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco (82 percent); Calapan City Mayor Arnan Panaligan (77 percent); Cagayan de Oro City Mayor (74 percent) at Baguio City Mayor Benjamin Magalong (71 percent).
Sa Metro Manila, si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City ang nakakuha ng pinakamataas na job approval rating na 87 percent.
Isinagawa ang survey noong Hunyo kung saan tinanong ang 5,000 respondents.