Eleazar ayaw sa politika


DEDMA si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga humihikayat sa kanya na tumakbo sa 2022 elections.


“Sa ngayon po I don’t want to be distracted kasi ngayon po nakukulayan ‘yung trabahong dati ko pa naman ginagawa. I don’t want to be distracted and entertain these things,” ani Eleazar.


“Ang hangad ko lang pagkatapos ng aking trabaho is makapagpahinga at makasama ang aking pamilya,” dagdag niya.


Umapela naman PNP chief sa mga nais siyang tumakbo sa politika na tulungan na lamang ang kapulisan.


“Nagpapasalamat ako sa kanila pero tulungan n’yo po kami in your own little way para magtagumpay ang pulis,” aniya.


Nakatakdang magretiro si Eleazar sa Nobyembre. –A. Mae Rodriguez