Ina ni Vico Sotto nabakunahan na

INANUNSYO kahapon ni Pasig Mayor Vico Sotto na nabakunahan na ang mommy niyang si Coney Reyes.

Sa Twitter, in-announce ni Vico na ang ina niya ang ika-6,318 senior citizen na nabakunahan kontra-Covid-19 sa siyudad.

Sabi niya: “This AM, my mom was the 6,318th Pasigueño senior to get vaccinated!”

Naglabas din ang veteran actress ng picture sa Instagram na hawak ang sign na “I got vaccinated!”

Kamakailan ay sinabi ni Vico na hindi niya pinauna sa listahan ng mga babakunahan ang ina niya.

“Nanay ko nga mismo, hindi pa nababakunahan. She is already 67 years old and has comorbidities.,” ayon kay Vico.

“Lumalabas pa siya ‘pag may trabaho. Pero walang palakasan. “Dumaan po sa tamang proseso. Nag-fill up siya ng form. Hinihingi niya pa nga sa akin ‘yung link” dagdag niya.

Sabi ko, ‘Tingnan mo na lang sa PIO (Public Information Office), Ma, kung saan ‘yung link,'” ayon sa alkalde. –A. Mae Rodriguez