IBINASURA ng Sandiganbayan fifth division ang kasong ill-gotten wealth laban kina yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., dating First Lady Imelda Marcos at kanilang mga crony.
Sa desisyon na ipinalabas ni Sandiganbayan fifth division Associate Justice Maria Theresa Mendoza, iniutos nito ang pagtanggal ng sequestrtion order laban sa Lianga Bay Logging Co. at Yulo King Ranch, na sinasabing pag-aari ng mga Marcos at kanilang crony.
Dahil dito, pinawalangsala rin sina Peter Sabido, Luis Yulo, Nicolas Dehesa, Rafael Sison, Don Ferry dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.
“The sequestration of herein defendant corporation, Lianga Bay Logging Co. and Yulo King Ranch, is hereby declared lifted,” sabi ni Mendoza.