INIHAIN ni Sen. Risa Hontiveros ang isang panukalang batas na naglalayong i-decriminalize ang libel.
Sa pagsusulong ng Senate Bill 1593, sinabi ni Hontiveros na ginagamit ang mga kasalukuyang batas laban sa libel para pigilan ang kalayaan sa pamamahayag.
“Our libel laws have been weaponized to stifle very basic fundamental rights. These laws have been used to constantly attack many of our freedom, but particularly the freedom of the press,” sabi ni Hontiveros.
Layunin ng House Bill 1593 na amyendahan ang probisyon ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act of 2012.