ISINULONG ni Sen. Raffy Tulfo ang holiday economics kung saan gagawing Lunes ang mga holiday na tatapat ng Sabado at Linggo para mas mahabang weekend.
Layunin nito ay mas mapalakas pa ang industriya ng turismo.
Inihain ni Tulfo ang Senate Bill No. 1651 na gawin na lamang Lunes ang lahat ng holiday na papatak ng weekend.
“The increase in the number of long weekends can help reduce stress, preventtt burnout, and promote work-life balance for both employees and students by allowing them to decompress and spend time with their family and friends,” sabi ng panukala.
Inaasahan namang tutulan ito ng mga employers group.