GAYA ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ipinagkibit-balikat lamang ni Vice President Leni Robredo ang hamon ni presidential spokesman Harry Roque na debate ukol sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon sa kampo ni Robredo, abala sa trabaho ang bise presidente para patulan ang mga kagaya ni Roque.
Ani Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, sa Twitter: “Anlakas ng loob maghamon, eh yung unang debateng hiningi inatrasan naman. Mas mabuti pa, tularan na lang ninyo si VP Leni: magtrabaho na lang kayo. Dami nyong oras eh.”
Hirit naman ni Jover Laurio ng PinoyAkoBlog: “Itong si Harry Roque, pabibo na naman. Hindi kayo magkalevel. Vice President siya, ikaw naman ay isang basura.”
Naniniwala ang isang Vene na naghahanap lang ng pagkakaabalahan si Roque kaya hinamon nito si Robredo.
“Grabee, ‘no? Kapag mapagpanggap talaga sa work, hahanap na lang ng ibang pagkakaabalahan. Go, sushie,” aniya.
May suhestiyon naman ang isa pang netizen na si JoEm: “Aw, can Harry Roque please just crawl back to the ocean to play with dolphins. I trust reporters can recognize when a fame-seeker is using them to try to get air time.”
Sinabi ng isang Leni supporter na walang gustong makipagdebate kay Harry kaya “stop fishing for attention” habang humirit ang isa pa na, “Sorry po busy po ang VP sa trabaho niya.”
Matatandaan na hinamon ng baliktaktakan ni Roque si Robredo nang hindi siya patulan ni Carpio sa debate.
Unang hinamon ni Pangulong Duterte sa debate si Carpio pero umatras ito at inutusan ang kanyang spokesperson na humalili sa kanya.
“Kung gusto niya po. Isa rin siyang maingay, si VP Leni.
Walang tigil sa pagpula kay Presidente,” sabi ni Roque.
“Same topic po: Has the President’s independent foreign policy resulted in derogation of sovereignty or loss of territory?” aniya ukol sa magiging tema ng kanilang debate ni Robredo.