DepEd Sec. Briones nagpabakuna na kontra-Covid

ISINIWALAT ni Education Secretary Leonor Briones na nabakunahan na siya laban sa Covid-19.

Sa public briefing ngayong araw, sinabi ni Briones na nabigyan na siya ng bakuna pero hindi na siya nagbigay ng detalye kung kailan ito nangyari at kung ano itinurok sa kanya.

“I’m already vaccinated. Wala naman, absolutely, no side effects in my case,” aniya.

Sinang-ayunan ng Kalihim ang sinabi ni Dr. Isagani Padolina ng Pascual Pharma Corp., na kasama sa briefing, na ang pinakamainam na bakuna ay ‘yung hindi mo na kailangang hintayin pa.

“We are very brand conscious. Gusto natin ganitong brand, etcetera. But we are assured na tama ‘yung sinasabi ni Dr. Padolina na what is available, that is the brand that is recommended,” aniya.

Matatandaan na nagpositibo si Briones sa Covid-19 noong Abril 2020.