HINILING ni Senador Grace Poe sa mga water concessionaires na Maynilad at Manila Water na siguruhin ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit probinsiya
ngayon na nananatiling below normal ang tubig sa mga dam.
Ayon kay Poe, na chairperson ng Senate committee on public services, obligasyon ng dalawang giant water concessionaire na masiguro na makakapagdeliber ito ng malinis, kaledad na tubig sa mga consumer.
“Having waterless days amid the rains shouldn’t be the norm. Consumers should never bear the brunt of concessionaires’ inability to store sufficient volumes of water to meet reasonable demands,” ayon sa kalatas na inilabas ng tanggapan ng senador.
“Residents don’t deserve to live miserably, as their taps run dry for reasons that can be duly managed in the first place,” dagdag pa ni Poe.
Sa huling datos na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Hunyo 3, nanatiling na below normal ang water level sa mga dam ng Angat, Ito at Ambuklao.
“Water interruptions affect not only households, but also struggling businesses that are just beginning to recover from the lockdowns. A few hours without water could be disruptive,” giit pa ni Poe.