UMAASA si Senador Grace Poe na gagawan ng akyson agad-agad ng Kongreso ang na-veto na SIM Card Registration Act.
“We count on Congress to act in a timely manner in reconsidering the bill for approval in accordance to the legislative process,” ayon kay Poe sa isang kalatas.
Si Poe, chairm ng Senate committee on public services ang siyang nag-sponsor ng panukala at nagdepensa nito nang isinailalim sa floor deliberation.
“Each day without the safeguards from the measure makes our people vulnerable to ripoffs that take away their money and cause them anxiety; the onslaught of cybercrimes and fake news that tear away the fabric of our democracy,” dagdag pa niya.
Nilalayon ng panukala ang pagpaparehistro ng SIM cards at social media accounts sa bansa, na sinasabing sagot para solusyunan ang fraud at iba pang krimen na ginagamitan ng SIM cards. May probisyon din sa nasabing panukala na ito ay magiging hakbang laban sa mga trolls kung kayat kinakailangan din ilagay ang totoong pangalan at telepono sa paggawa ng social media.
Ang nasabing probisyon ang dahilan kung bakit hindi nilagdaan ni Pangulong Duterte ang panukala. Ayon kay Acting presidential spokesperson Martin Andanar na-veto ang panukala dahil hindi anya kasama sa orihinal na panukala ang requirement tungkol sa social media registration. Sinabi anya ng pangulo na kailangan pa itong pag-aralang muli.