BINAKBAKAN ni Senador Grace Poe ang pinakabagong water cannon attack na ginawa ng Chinese Coast Guard sa Philippine resupply ship na patungo sana BRP Sierra Madre sa may Ayungin Shoal.
Isang “unicvilized action” ang ginawa ng CCG nang bombahin nito ang mga tauhan ng Philippine Navy ng water cannon at masugatan dahil sa insidente.
Nangyari ang huling pag-atake nitong Sabado, Marso 23, nang bombahin ng water cannon ng CCG ang Philippine supply vessel na Unaizah May 4 habang patungo sa Ayungin Shoal at magdala ng kailangang suplay ng mga tauhan ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre.
“We deplore the latest water cannon attack by China on a Philippine supply vessel that injured our three Navy personnel,” pahayag ni Poe nitong Lunes.
“This uncivilized action should stop. We must hold the Chinese vessel responsible for the injury inflicted on our troops,” dagdag pa ng opisyal.
Nakakabahala na rin anya ang ginagawa ng China dahil sa tumitinding pambu-bully nito sa West Philippine Sea.
“From shadowing our vessels to collisions and water cannon assaults, incidents in the West Philippine Sea have been escalating,” anya.
“China’s actions appear geared to heighten the already tense situation.”
Nanawagan si Poe na bagamat tuloy-tuloy ang ginagawa ng Pilipinas na solusyunan ang ginagawang pag-atake ng China sa isang legal, lehitimo at kalmadong pamamaraan, kailangan din anyang panagutin ang China sa ginagawa nitong pambu-bully.
“While the Philippines continues to deal with the attacks in a legal, legitimate and calm manner, we must also seek accountability,” dagdag pa ni Poe.